Huwebes, Oktubre 19, 2017

Ano nga ba ang panitikan?

Ito’y bahagi lamang ng talumpating binigkas ng yumaong Quezon sa Ingles noong ika – 19 ng Pebrero, 1938. Ito’y hinalaw at tinagalog ng mga patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa Ibig kong sabihin sa inyo na kailanngan natin ang isang wikang pambansa. Isang propesor sa kasaysayan – siya’y dekano pa rin – ang sumulat ng lathala na tumawag sa bayan na magkakaroon ng isang wikang pambansa para sa mga Pilipino, at ididugtong pang kakailanganin natin ang isang daang taon upang malinang ng isangn wikang panlahat. Itulot ninyong sabihin ko, na walang wikang pambansa na naitatag sa loob ng dalawampu’t apat na oras. Bawat wika sa Europa na nasa hanay ng isang wikang pambansa ay nangangailangan ng daan – daang taon upang mapaunlad. May isang llibong taon na ngayon, ang mga mamamayan ng Inglatera, halilmbawa, o ng Pransya, Espanya, o Alemanya, ay hindi nagsasalita ng wikang panlahat, pagkat bawat purok sa bawat bansa ay nagsasalita ng ibang wikain. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na tradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito'y matuwid at maayos.Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y malinang at mapaunlad. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan ng mahalaga ay magkaunawaan nang tuwiran an gating mga mamamayan sa pamamagitan ng iisang wika. Mangyari pa, kakailanganin ang mahabang panahon, bago tayo magkaroon ng wikang sarili natin, ngunit mabuti na iyon kahit na kailanganin sa pagsasagawa ng isang daang taon, at sa pagkakaroon ng wikang panlahat ay hindi tayo dapat mahiya sa pangyayaring nagdagdag tayo ng ilang salitang Ingles o Kastila. Ito ay tumpak. Ang bawat wika ay nangangailangan ng maraming taon bago magkaroon ng kaanyuan, at bawat wika ay nabuo sa panghihiram sa ibang wika. Bakit natin tututulan iyan?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento