“Mga araw na hindi
inaasahan”
Unang araw sa klase ako’y tinatamad dahil nabitin ako sa
aking bakasyon at bago lang ako sa paaralan na papasukan ko ngayon dahil ako ay
lumipat ng paaralan. Unang pasok ko sa aming silid-aralan ang una naming ginawa
ay magpakilala sa isa’t isa habang nagpapakilala sa isa’t isa ang mga kaklase
ko hindi ko sila pinapakinggan dahil ako’y inaantok hinihintay ko lamang na
tawagin ako ngunit may isang tao at siya ay babae na nagpakagana ng aking tenga
lubusang pinakinggan ng aking mga tenga habang siya ay nagpapakilala ngunit sa
pagtutok ng tingin ko sakaniya ni isa wala akong maalala sa sinabi niya.
Nakalipas na ang oras nagrecess na ako’y mag-isa na nag
meryenda dali dali kong tinignan ang mga pangalan ng aking mga kaklase pero
wala talaga akong maalala ni isa na bahagi ng kanyang pangalan. May biglang
lumapit saaking lalaki na nagpakilala na siya ay isa sa aking kaklase at yinaya
akong sumama sakaniya at ako’y sumama. Maghapon kaming naglaro at nagkilanlan
magkaklase sa loob ng silid-aralan.
Nang mag-uwian na dali dali akong umuwi at kinuha ang
aking cellphone pagkabukas ko ng facebook may groupchat na kami magkakaklase at
hindi talaga mawala sa isip ko ang pangalan ng babaeng nagpakilala kanina na
lubusan kong hinahanap.
Makalipas ang ilang linggo kalahati ng klase ay kaibigan
ko na ngunit ang gusto ko maging kaibigan ay hindi ko pa nakakausap o
nakikilala dahil napakatahimik niya sa room lagi ako napapatingin sakaniya
hindi ko mawari kong anong dahilan kong bakit ganun ang pag-tingin ko sakaniya
may isang beses ngang tinititigan ko siya at bigla niya ako nahuli yun ang
pinaka nakakahiya na nagawa ko at pinakita ko sakaniya.
Patagal na ng patagal ang araw nagpatulong na ako sa mga
naging tropa ko sa room dahil sila ay hindi na baguhan sa paaralan nag baka
sakali akong kilala nila ang tinutukoy kong babae.Pagka-uwi ko galing paaralan
dali dali ko ulit hinawakan ang aking phone at saaming group-chat sa pagbabasa
ko sila ay inaasar ako sa isang babae na may gusto daw saakin na hindi naman
ako naniniwala na hindi naman siya ang aking gusto habang ako ay nag-aad ng mga
kaibigan saaking facebook hanggang sa makita ko yung facebook ng babaeng
gustong gusto kong makilala sa room at isa siya sa nang-aasar saakin sa
group-chat na bagay daw kami ng nagkakagusto saakin at doon nagsimula ang aming
paguusap.
Pagpasok ko ng paaralan siya agad ang hinanap ko. Patuloy
ko siyang tinititigan hanggang umaga hanggang gabi. Hanggang sa nakahalata na
aking mga tropa sa pagtingin ko sa babae na iyon. Tinulongan ako ni hames dahil
nahalata na niya ako kong sino gusto kong babae sa room agad agad niya ako
tinulungan kasi wala akong lakas na loob na lapitan ang babaeng iyon at tatlong
taon na niyang kaklase ang babaeng tinutukoy ko at dali dali akong hinila ni
hames patungo sa babae na iyon at ako ay pinakilala ni hames sakaniya at
pinakilala ni hames ang pangalan ng babae at siya ay si Vanessa nag hi siya
saakin pagkatapos noon at iyong araw na iyon ang hindi ko kalian man
makakalimutan hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na kulitin siya
makilala pa siya ng husto nagpa-add pa ako pa ako sa facebook dahil hindi ko
siya ma-add natatawa nalang ako saaking sarili dahil ngayon lang ako nabaliw ng
husto sa isang babae dahil naging inspirasyon ko siya na pumasok ng maaga
maging dilat hanggang umaga hanggang sa uwian at patuloy kong hinihiling na mas
umigting ang aming pagkakaibigan dahil hindi ko inaasahan na kami ay magiging
close ng husto hanggang sa magsmula na ang aming unang paguusap sa facebook
araw-araw.
Nang makalipas ang dalawang buwan hanggang sa makahalata
na ang lahat ng aking tropa sa pagtingin ko kay Vanessa dahil sa lagi kong
paglapit sakaniya at pagtitig ko sakaniya ng matagalan minsan inaasar ako ng
inasar ng aking mga tropa at hindi ako sang-ayon doon dahil walang alam si
Vanessa sa nararamdaman ko dahil hindi pa ako handa para malaman niya dahil
nagsisimula palang kami magkilanlan sa isa’t isa atsaka baka lumayo loob niya
saakin o lumayo siya saakin kapag nalaman niyang may gusto ako sakaniya kaya
pinili kong lumayo muna saglit o pansamantala upang hindi niya mahalata ang
tinutukso saakin ng mga tropa ko.Hanggang sa malaman ko na nahalata na niya at
hindi niya ako linayuan tinanggap pa rin niya ako at rinespeto niya ang aking
nararamdaman sakaniya at doon ako lalo nainlove sakaniya ng lubusan. Hanggang
sa tumagal na ng tumagal lalong umigting ang nararamdaman ko sakaniya at ng mga
panahong iyon gusto ko ipakita sakaniya na kaya kong maghintay kahit alam kong
wala siyang gusto saakin gusto ko parin iparamdam sakaniya kong ano ang
nararamdaman ko sakaniya sa pamamagitan ng paghahatid ko sakaniya araw -araw
kong maaari mapasaya ko siya hanggang matapos ang araw at pinaparamdam ko
sakaniya na lagi lang ako nasa tabi niya at maghihintay ako gaano pa katagal
ang kailangan ko hintayin
Naging madalas ang hindi naming pagkakaintindihan dalawa
sa dami ng gawain at pagiging makasarili ko minsan na minsan sinisisi ko pa
sakaniya. Binibigyan niya ako ng tulong pagdating sa school ngunit minsan hindi
ko tinatanggap dahil tinatamad ako mag-aral at alam kong hindi ko kailangan yun
ang kailangan ko mabigay ko lahat ng atensyon ko sakaniya at dahil doon ay
nasaktan ko na siya doon ko nalaman ang pagkakamali ko hindi ko tinanggap ang
mga pinaghirapan niya para matulungan lang ako at napapabayaan ko na pala ang pag-aaral
ko na minsan hindi kinalimutan ni Vanessa na paalalahanan ako tungkol sa
pag-aaaral ko na hindi ko napapansin naaapektuhan ko na rin siya ngunit kahit
ganoon pa man ako isip bata man ako kong magisip at makasarili lagi akong
iniintindi ni Vanessa at binibigyan ng paaral para malaman ko ang pagkakamali
ko sa isang pangyayari kay Vanessa ko
nabuo yung ako siya ang naging daan ko para mas makilala at madevelope ko pa
ang aking sarili.
Isang araw kasama ko si Tristhan at Maria yung araw na
iyon ang araw na aakyat na ako kay
Vanessa ng ligaw puno ng kaba takot ang puso ko ng araw na iyon tinulungan ako
ng aking dalawang kaibigan saaking plano ilang beses ako umatras pero dahil sa
pagpilit saakin ni Vanessa sabihin yung dapat ko sabihin ay wala na ako magawa
kundi sabihin kasi ang hirap itago at ang panahong iyon ang hindi ko
malilimutan dahil pumayag na siyang ligawan ko siya nawala ang takot ko saaking
puso mas lumakas ang aking loob na mas iparamdam pa sakaniya kong ano ang laman
ng puso ko.
Makalipas ng tatlong buwan yinaya ko si Vanessa na
lumabas o gumala ng kaming dalawa lang ilang araw ko pinag-isipan kong paano ko
siya yayayain lumabas dahil natatakot akong humindi siya dahil may hiya pa rin ako . Recess ng
tinanong ko siya tungkol sa balakin ko at agad siyang pumayag doon dahil may
sasabihin din daw siya saakin na importante.
Dumating ang araw na magkikita kami ni Vanessa may halong
kaba dahil ngayon lang kami magkakasama na dalawa lang kami. Nahiya ako dahil
hinatid pa ako ng nanay at tatay ko kay Vanessa. Natuwa ako dahil mas lalo ko siyang nakilala
nakakahiya kumain kapag kasama siya ang lakas niya kumain pero napakapayat at
napakatangkad niya . Hinihintay ko siyang sabihin niya yung dapat niya sabihin
at nagulat ako sakaniyang sinabi dahil hindi koi yon inaasahan na yung taong
gusto ko ay may gusto na rin pala saakin umuwi ako ng masaya at may bitbit na
ngiti ng dahil doon sa nalaman ko naging mas malakas pa ang loob ko naging
inspirasyon ko siya sa school hindi lang dahil gusto niya dahil gusto ko na rin
kahit minsan pasaway ako nagagawa ko parin gawin dahil yun ang tama at turo
niya saakin.
Makalipas na ang apat na buwan kong panliligaw sakaniya
nakamit ko rin ang oo na matagal ko ng minimithi sakaniyang makuha hindi ko
sinayang iyong pagkakataon na ibalik sakaniya lahat ng naitulong niya saakin na
kahit minsan naapektuhan siya at hanggang ngayon nagpapasalamat pa rin ako
dahil hanggang ngayon nasa tabi ko parin yung taong bumuo sakin ngayon.
“Minsan, ang
pag-ibig hindi mo alam kong kailan dadating
o aasahang dadating”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento